New Zealander national na napalaya sa 3 kaso, dinampot muli

KINUWELYUHANG muli ang isang New Zealand national na inaresto nitong Oktubre sa Davao City sa kasong  statutory rape, child trafficking, at paglabag sa Anti-Child Abuse Act, pero pinalaya rin sanhi ng teknikalidad, ayon sa ulat ng isang opisyal ng pulisya.

Sinabi ni City police director, Supt. Renante Cabico, na dinakip ng muli ng pulisya si David William Wakefield, 50-anyos, matapos magpalabas ang Regional Trial Court sa Davao City ng isang warrant for his arrest.

Hindi naman nabanggit ni Cabico kung paano at kung bakit inaresto si Wakefield kaninang umaga (Nobyembre 22).

Nito lamang nakaraang Oktubre  25, sinabi ng pulisya na binitbit nila ang mga nagrereklamo na mga menor de edad na kababaihan sa kuwarto ni Wakefield para tiyakin kung ito ang taong nangmolestiya sa kanila.

Gayunman, isang linggo ang nakalipas, pansamantalang pinalaya ang Kiwi sanhi ng teknikalidad, pahayag ni Senior Insp. Araceli Yaun, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng  San Pedro Police Station ng Davao City Police Office.

Hindi rin nito ipinaliwanag ang umano’y sinasabing teknikalidad.

Nitong unang lingo ng Nobyembre, nagkita ang abugado ni Wakefield at ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya sa  Kidapawan City.

Inamin naman ni City Mayor Rodolfo Gantuangco na siya ang nagkasa ng pagpulong.

“I am so pleased that the court has found probable cause to detain Wakefield,” paghayag ni Cabico.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply