New Zealander, pinukpok ng BF

SUGATAN ang isang 26 anyos na New Zealander nang pukpukin ng bakal ng umano’y kanyang boyfriend matapos na nagtalo dahil sa pera sa Sta Cruz, Maynila .

Ginagamot ngayon sa Chinese General Hospital ang biktimang si Steve Weeden, pansamantalang nanunuluyan sa 1518-A Sulu St., Sta Cuz, Maynila sanhi ng sugat sa ulo.

Kinilala naman ang suspek na si Sigfried Novero, 27, ng nasabi ring tirahan.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 3 (Sta Cruz) dakong 3:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng inuupahang bahay ng dalawa.

Nauna dito, nagtalo ang dalawa hinggil sa kanilang relasyon at pera at sa galit ng suspek ay dumampot ito ng isang bakal at ipinukpok sa ulo ng biktima na nagresulta ng sugat at mga pasa sa ulo at katawan.

Matapos ang insidente, umalis ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital.

Pinayuhan ang biktima na magreklamo sa MPD-General Assignment Section (GAS) pagkalabas nito sa ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply