Next associate justice ng SC malalaman sa Nov. 22

SCC

MAY hanggang Nobyembre 22 pa si Pangulong Benigno Aquino III para magtalaga ng susunod na Associate Justice bago lumipad patungong Cambodia.

Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, ipinangako ng Punong Ehekutibo noong nasa Laos ito na nakatakda siyang makipagkita sa mga nominado upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na marinig ni Pangulong Aquino.

“The deadline is November 22. So let’s wait until the 22nd of November. Remember, he promised in Laos that he is going to meet the nominees. So he will give each and every nominee a chance to be heard by the President,” anito.

No comment naman ang Malakanyang sa tanong kung si government peace negotiator Marvic Leonen ang “paborito” ni Pangulong Aquino para iluklok bilang  susunod  na SC Associate Justice.

“The President has not made any decision yet. The President knows of Marvic because he has worked with Dean Marvic Leonen in the peace process. That cannot be denied. But, as to the chances of each nominee, the President will give them the opportunity to be heard. The President will speak to them and, on that basis, choose who will be the next Associate Justice,” ani Sec. Lacierda.

Aminado naman ang opisyal na malaking advantage kay Leonen ang makatrabaho ni Pangulong Aquino subalit hindi aniya ito pasaporte para siya na agad ang piliin ng Chief Executive.

Nauna nang isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Aquino ang listahan ng pitong nominado para sa 15-member Supreme Court na nabakante matapos na ipalit ni Pangulong Aquino si Associate Justice Maria Lourdes Sereno sa pinatalsik na si SC Chief Justice Renato Corona.

Bukod kay Leonen, nominado rin bilang susunod na Associate Justice sina  De La Salle University law dean Jose Manuel Diokno, former Energy Secretary Raphael Lotilla, Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr. and Court of Appeals Associate Justices Jose Reyes Jr., Noel Tijam and Rosemari Carandang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply