Ninanakawan na, pinapatay pa at madayang LTO

benny antiporda

DAPAT na gumawa ng paraan ang mga kinauukulan laban sa mga mababagsik na kawatan.

Sunod-sunod na ang mga pagnanakaw na may kasamang pagpatay.

Walang sinasanto ang mga hayup na ito: babae, lalaki, bata, matanda.

PAGING MAYOR LIM

Hindi tayo naniniwala, mga Bro, sa paggamit ng kamay na bakal laban sa mga kriminal.

Sa halip, dapat na hulihin ang mga ito at idemanda sa mga piskalya at hukuman upang makamit natin ang buong katarungan.

Pero kapag ganito nang ganito ang nagaganap, ninanakawan ka na, pina-patay ka pa, eh, iba na ang usapan diyan.

Marahil magandang makausap sina Mayor Alfredo Lim at Mayor Digo Duterte at pag-usapan kung paano lulutasin ang grabeng krimeng ganito.

oOo

BIGYAN po naman natin ng pagkakataon ang ating mga reader na ibulalas ang kanilang mga damdamin at isipan sa iba’t ibang bagay at problema sa lipunan.

Heto sila.

PANGAKONG NAPAKO NI TY

Sir, pakikalampag nga si Arnel Ty. Kasi, sabi niya pag nanalo ang partylist niya ay ibibili niya ng tangke ang pondong makukuha niya pero hanggang ngayon hindi pa rin niya pinapalitan ang mga tangkeng sira-sira, chop-chop at flat bar na may tapal.

Nagpapalit nga sila pero ang mga good na tangke lang ang pinapalitan nila.

Pati sarili nilang produkto ayaw na nilang palitan pagsira na ang tangke nila. Siyempre nasisira ang isang produkto pag ginagamit. Para huwag masira ang produkto nila, ‘wag mong gamitin para ‘wag masira, puwede ba ‘yun? Kaya ka nga bumili ng produkto nila para gamitin hindi para i-display. 0927695….

MGA KORAP UNANG BITAYIN

Payag ako na ibalik ang bitay basta unang isalang ang mga kurakot sa gobyerno na nagnanakaw ng milyon-milyong piso at mga high profile criminal and others to follow. Imposible ‘di ba, sir? 0948591..

KALSADANG PARANG PALAYAN

G. Antiporda. Sir, tagarito po ako sa Norzagaray, Bulacan. Irereklamo ko sa inyo ito pong Sitio Mataas Na Kahoy sa Brgy. Tigbe. Ang kalsada po kasi namin ay para pong hindi daanan ng sasakyan. Biruin po ninyo.

Noong tag-init po, pinatambakan ni Chairman Gravador ng matutulis na graba at may kasamang lupa. Nang umulan po, para na po kaming dumaraan sa gitna ng taniman ng palay.

Ang lalim po ng putik, sobra po ang pahirap sa amin. Kawawa po ang mga batang mag-aaral.

Minsan po, hindi makaakyat ang tricycle. Hindi ko po alam kung saan po kami puwedeng magreklamo maliban po sa inyo. Salamat po? 0923234….

HILING NG MGA BALO SA AFP

Sir, hayan may Chedeng at Hummer. Siguro naman pupuwede nang bigyan ang mga sundalo na naglingkod sa bayan at nagbuwis din ng buhay. Humihingi lang kami ng awa. Gusto rin naming magpatapos ng anak sa pag-aaral. Namamalimos kami ng awa. Ty po. Kawal! 0919964….

LTO MADAYA SA SUKLING BARYA

Good day. Nais ko lang pong ipagbigay alam sa office ng Land Transportation Office-Batangas na doon sa cashier nila, pag nagbayad ka ng ticket mo at may sukli ka, hindi po kumpleto. Kahit barya lang ‘yun, malalaki rin pong halaga ‘yun. Thanks po. Don’t publish my number. 0928399…

UKOL SA KABABAIHAN

Sir Benny. Kasalanan din po iyan ng ating mga kababaihan kung bakit nababastos sila o pinagnanasaan. Wala na sa ayos ang pagsusuot ng damit nila.

Mantakin mo, may nakasakay ako sa jeep na teenager na babae. Napakaikli ng palda niya, halos kita na ang underwear niya pag-upo. Tapos panay hila sa palda niya para ‘di siya masilipan. Nakairap pa sa kaharap niyang lalaki. 0908458….

BEER ITINAAS ANG PRESYO

Morning, Sir Benny, ng Ultimatum. Bakit ang San Miguel Beer. Nagdagdag na ng presyo hindi pa man naipatutupad ang sin tax law. Alam ba ito ng pamahalaan? Concerned citizen ng Taguig City. 0928366….

MALAYANG PUSHER

Dear Sir Benny. Gusto ko lang pong iparating sa Philippine Drug Enforcement Agency na ‘di nahuhuli si Edward Tagis Sarao sa Bagong Anyo, Imus, Cavite. Matagal nang nagtutulak ng shabu rito sa Cavite. Sana mabasa ito ng provincial commander ng Cavite at chief of police ng Imus. Pakigising po sila. Salamat po. 0919273….

PANAWAGAN NG TELOF EMPLOYEES

Gud pm po, sir. Muli kaming dumudulog sa aming request na bigyan priority ang aming rationalization sa E.O. 366 kaugnay ng aming Telecommunications Office para makaalis na kami dahil lima hanggang anim na taon na kaming walang ginagawa.

Kawawa ang mga taxpayer na nagpapasahod sa ganitong sitwasyon.

Hanggang ngayon walang nangyayari sa pana-wagan namin sa inyong mga kolumnista.

Parang walang nangyayari sa request namin. Nakahihiya at nakakokosensiya ang ganitong sitwasyon at bakit hindi umaksyon ang mga kinauukulang opisyal ng gobyerno ni Pangulong Aquino sa kanyang Matuwid na Daan program.

Gusto po naming malaman ang resulta ng aming request.

Sana tulungan ninyo kami ulit sa aming karaingan para rito.

Thanks and more power. Telof Employees Assn. MMLA. 0926290….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply