NLigtas ng NLEX

INILUNSAD kamakailan ng Tollways Management Corporation (TMC), ang operator ng North Luzon Expressway ang “NLigtas,”  na isang real-time online travel advisory system na magbibigay sa mga motorista ng unang impormasyon sa naturang expressway upang masubaybayan din ang mga sitwasyong trapiko sa kahabaan ng NLEX.

Magagamit na sa TMC website na makikita sa website na www.tollways.net.ph ang NLigtas. Ito ay bahagi ng programang pang kaligtasan ng TMC na tinatawag nilang “Safe Trip Mo, Sagot Ko.” Mayroon din mga mobile bersyon ng NLigtas na magagamit para sa mga smartphones.

Saklaw ng NLigtas ang buong kahabaan ng NLEX, mula Balintawak exit hanggang Dau pati na rin ang Subic-Clark-Tarlac
Expressway Santa Ines exit. Sa pamamagitan ng sensor na naka-install sa iba’t ibang bahagi ng expressway, makikita ng NLEX control room at masukat nito ang aktwal na bilis at travel kondisyon sa loob ng NLEX. Ito ay pinoproseso ng NLigtas system upang maaari mong malaman ang tinatayang oras ng iyong paglalakbay in “real-time”.

Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang website ng TMC sa www.tollways.net.ph

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply