No.3 sa Manila’s 10 most wanted person, arestado

ARESTADO ang isa sa mga most wanted criminal ng Manila Police District sa isinagawang “Oplan Pagtugis” ng mga tauhan ng MPD-criminal Investigation Detection Group, iniulat ngayon.

Kasalukuyan nang nakakulong sa detencion cell ng MPD-CIDG ang suspek na si Danilo Borromeo, 52, may-asawa, pedicab driver, ng No.14 Quezon St., Barrio Magsaysay, Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Chief Insp. Carlo Magno Manuel, hepe ng MPD-CIDG, ang pagkakaresto ng suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng Manila regional trial Court, Branch 41, dahil sa kasong murder.

Nabatid na October 17, 2011 nang mabaril at mapatay ng suspek ang kanyang kapatid na si Bernardo Borromeo kung saan nagtago na ito matapos ang insidente.

Sa pag-usad ng kaso, isang impormante ang nakarating sa tanggapan ng CIDG sa kinaroroonan ng suspek.

Agad namang nagsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng CIDG at inilatag ang “Oplan Pagtugis” na nasukol ang suspek habang naghihintay ng pasahero sa may Carmen Planas St. kanto ng Lakandula St., sa Tondo, Maynila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply