“No CCTV, No Business Permit Policy” sa QC, OK sa CBCP

PABOR ang mga Catholic bishops sa plano ng Quezon City na magpatupad ng “No CCTV Camera, No Business Permit Policy” sa susunod na taon.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, naniniwala siya na makakatulong sa pagresolba ng krimen ang pagkakaroon ng CCTV camera sa mga establisimyento sa lungsod ng Quezon.

Aniya, malaking tulong ang naturang polisiya para mahuli ang mga masasamang elemento at katunayan marami ng parokya sa kanyang Diocese ang may mga CCTV camera dahil maging ang Simbahan ay hindi rin pinapalampas ng mga masasamang loob.

Gayunman, dapat pa rin, aniya, itong idaan sa tamang proseso at pag-uusap dahil maraming mga maliliit na negosyo ang posibleng hindi makayanang bumili ng CCTV camera.

“Well, nakakatulong talaga yang CCTV camera na yan. In fact, some of our churches have already CCTVs, at least yung kumbento at some important areas para sakaling may mangyari you can easily make a review at makilala mo ang mga salarin o masasamang loob. To make it a requirement that is another big usapin. Dapat pag-usapan yan. It is a good measure but then ang importanteng tanong, Can every one afford that lalo na ang maliliit na negosyo?”pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam sa radyo.

Sinegundahan naman ito ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, na nagpahayag rin nang pagpabor sa naturang hakbang ng QC government dahil nakakatulong talaga aniya ang CCTV camera para mahuli ang mga taong gumagawa ng krimen.

“Yes pabor ako dyan. Unti-unti nakikita natin na maraming mga kaso na naresolba, maraming kriminal ang nakikilala at nahuli dahil sa CCTV na yan kaya ok ako dyan! Hindi lang deterrent yan kundi mabuting recorder,” aniya pa.

Nauna rito, sinabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na simula sa Enero, 2013 ay ipatutupad na nila ang ang “No CCTV, no business permit policy” bilang bahagi ng kanilang programa para masugpo ang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply