No-VIP treatment sa grupo ni Co – M’cañang

UMAASA ang Malakanyang na walang paiiraling VIP treatment ang Department of Justice matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng syndicated estafa laban kina  Pagadian City Mayor Samuel Co at iba pa kaugnay sa kontrobersiyal na Aman Futures pyramiding scam.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na umaasa silang hindi magiging bias ang Justice Department sa mga idinadawit sa scam at tutukuyin nito ang tunay na dapat managot sa nasabing scam.

“We expect the DOJ to perform its job of identifying  personalities who may be culpable for the scam. We expect no special treatment will be granted any personality regardless of party affiliation. The charges were based on the evidence gathered and that is the mandate of the DOJ,” ayon kay Sec. Lacierda bilang tugon sa isinampang kasong estafa laban kay Samuel Co.

Sa ulat, sinampahan ng kaso syndicated estafa si Mayor Co, ang asawa nito at  10 iba pa kaugnay sa di umano’y panggagantso ng mahigit P11 million mula sa 3 investors ng kontrobersiyal na Aman Futures Group Philippine Inc.

Inirekumenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang mag-asawang Co at 10 iba  pa ay agad na isalang sa preliminary investigation ng Department of Justice (DoJ).

Ang mga respondents sa reklamo ay sina Co, ang asawa niutong si n Pricilla Ann Fernandez Co, Manuel Amalilio, Fernando Luna, Leilan Lim Gan, Eduardo Lim, Willanie Fuentes, Nazelle Rodriguez, Lurix Lopez, Mohammad Hassan Mackno, Dimasara Jova, at Ian Madarang.

Si Amalilio ang itinuturong founder ng Aman Futures at pinaniniwalaang nakalipad papuntang Kota Kinabalu, Malaysia.

Sa kabilang dako, si Luna ang sinasbaing operator ng Aman Futures. Sina Gan, Lim, Fuentes, Rodriguez at Lopez,  ay pawang mga miyembro ng Aman Future board of

directors. Mackno, Jova, at Madarang ay dapat sana’y mga investment agents ng Aman Futures.

Ang reklamo ay pangunahing isinampa sa NBI ng tatlong negsoyante ay sina Samsodin Ala ng Marawi City; Fabian Tapayan Jr. ng Pagadian City; at government employee na si Norolhaya Taha ng Marawi City.

Agad na inimbestigahan ng NBI ang reklamo kina Co at hindi na nagdalawang-isip na gumawa ng rekumendasyon sa DoJ.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply