Non-duty status ni Bartolome, bahala ang PNP

TIKOM ang bibig ng Malakanyang kung nasa floating (official) status ngayon si Philippine National Police (PNP) chief director general Nicanor Bartolome makaraang tiyakin ni Pangulong Benigno Aquino III na posibleng ngayong Nobyembre o Disyembre ay ilalagay na niya sa non-duty status ang una.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na bahala na ang legal team ng Malakanyang at ang PNP para sa paglilinaw sa usapin.

“I have to confess that I don’t have at this point any knowledge about how that system will work,” pag-amin ni Usec. Valte.

Nauna nang tumanggi si Bartolome na maagang magretiro sa posisyon at balak tapusin ang tour of duty hanggang Marso.

Dahil dito, niresbakan siya ng Panglong Aquino at nagdesisyon na ilalagay niya sa non-duty status si Bartolome hanggang March 16 upang buong makuha ang kanyang benepisyo.

Aniya, sa ilalim ng non-duty status, mananatiling Chief PNP si Bartolome pero magtatalaga siya ng officer-in-charge na magiging functional hanggang sa dumating ang kanyang mandatory retirement.

Sa ulat, binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na ang pangunahing concern nito ay ang  election ban sa Pebrero kung saan masasakop nito ang panahon ng retirement ni Bartolome.

Hindi naman sinabi ng Chief Executive kung sino ang ilalalagay niya bilang officer-in-charge na magiging kapalit ni Bartolome.

Napaulat na itinalaga si Deputy Director General Alan Purisima bilang head ng Task Force Halalan na tututok sa paghahanda sa seguridad ng senatorial elections sa Mayo.

TULOY ANG TRABAHO

Ito naman ang reaksyon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino sa Laos kaugnay ng planong paglalagay kay PNP Director General Nicanor Bartolome sa non-duty status.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag si Bartolome, iginiit PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. na hindi nagpapaapekto si Bartolome sa balita.

Sa katunayan, nasa isang pulong ngayon si Bartolome kasama si Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at iba pang opisyal ng kapulisan para paghandaan ang ilalatag na serbisyo sa halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply