Non-duty status, tanggap ni PNP Chief Bartolome

NAKAHANDANG tanggapin ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicanor Bartolome ang lahat ng opsiyon kung ano ang kanyang magiging kapalaran bilang hepe ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Bartolome na handa niyang tanggapin ang non-duty status para mapaghandaan ng mas maaga ang darating na 2013 midterm elections.

Binigyang diin ni Bartolome na ito ay dahil sa ayaw niyang maging dagdag pa sa alalahanin ng Pangulong Benigno Aquino.

Gayunman, hindi pa batid ni Bartolome kung kailan magiging epektibo ang kanyang non-duty status.

Sinabi ni Bartolome, na hindi na muna siya papasok sa gobyerno pagkatapos magretiro sa PNP

Ayon kay Bartolome, magpapahinga at magbabakasyon muna siya sa oras na magretiro na ito sa Marso.

Isinantabi muna ni Bartolome ang pagtanggap ng anumang posisyon sa gobyerno pagtapos ng kanyang retirement.

Binigyang diin ni Bartolome na matagal na ang kanyang naging serbisyo sa PNP kaya nais naman niyang paglaanan ng oras ang kanyang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply