Noodles na nakakanser mula Korea bawal na sa Pinas

IPINAGBABAWAL na ng Bureau of Customs (BOC) ang importasyon ng Nongshim noodles na mula sa South Korea.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, hindi dapat makapasok ang nasabing noodles sa Pilipinas, ngayong kwestyunable ang mga sangkap nito na umano’y makaaapekto sa kalusugan.

Iniatas ni Biazon sa lahat ng Customs ports na higpitan ang pagmo-monitor ng shipment ng napakaraming brand ng noodles mula sa South Korean na ginagawa ng Nongshim Co. Ltd.”

Kasama sa hindi pwedeng angkatin ay ang Nongshim Neoguri (Hot), Nongshim Neugori (Mild Hot), Nongshim Neoguri (Multi Hot), Neongshim Big Bowl Shrimp, Nongshim Saengsaeng Udon Bowl, at Nongshim Saengsaeng Udon.

Mahigpitan ang pagpapatupad ng kautusan ni Biazon matapos makarating sa kanyang opisina na ang nasabing mga brand ng noodles mula sa South Korea ay ipina-pull-out ng sarili nilang Food and Drug Administration dahil nagtataglay ng mga nakaka-cancer na benzopyrene.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply