Northbound ng SLEX pansamantalang isasara bukas

NANAWAGAN ngayon ang South-Luzon Expressway (SLEX) sa motorista na pansamantalang isasara sa trapiko ang bahagi ng northbound lanes sa simula 11:30 ng gabi bukas, Sabado (Nobyembre 17) hanggang alas-4:00 ng umaga kinabukasan, Linggo.

Ang pansamtalang pagsasara sa SLEX ay upang bigyan-daan ang construction work na isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa Bilibid overpass project.

Ayon sa SLEX operator, Manila Toll Expressway Systems Inc. (MATES), ang northbound lane ng SLEX mula sa Susana Heights hanggang South Green Heights ay hindi madaraanan ng mga motorisa para mabigyang-daan ang proyekto ng DPWH..

Samantala, ipatutupad naman ang Counter-flow traffic sa 1.4-kilometer sa inner southbound lane ng South Green Heights-Susana Heights  bukas Nov. 17 at 18.

Ayon sa pahayag ng MATES ipatutupad din ang counter-flow traffic alas-11:30 ng gabi sa November 22 at alas-4:00 ng madaling araw kinabukasan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply