Norwegian nabiktima ng ‘tutok-kalawit’ sa Maynila

MPD-HeadQ

DUMULOG ngayon sa Manila Police District-general assignment section ang isang Norwegian national matapos na holdapin ito ng dalawang hindi nakilalang lalaki na umano’y miyembro ng “tutok-kalawit” sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Raymond Rogneo, 44, binata, turtista at pansamantalang tumutuloy sa Sofitel Hotel, Pasay City.

Ayon sa reklamo ng biktima, namamasyal siya sa kahabaan ng Ermita, Maynila nang lapitan ng dalawang hindi nakilalang lalaki at tinutukan ng patalim.

Pinilit ng mga suspek ang biktima na maglabas ng pera sa pamamagitan ng kanyang visa card.

Nang makuha ang P10,000 at cellphone ng biktima ay pinakawalan din ng mga ito ang banyaga na minabuti na lamang bumalik sa kanyang hotel.

Sinamahan naman ang biktima nina Elezar Samson at Noli Barcelona, hotel staff upang maghain ng reklamo sa pulisya.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply