Not so young actress and host na-detain ng isang araw sa Hong Kong

blind item

UMIRAL na naman ang katarayan ng not so young actress na ito na taga kapuso network.

Kasama ang kanyang boyfriend nang magtungo sila sa Hongkong at naka-encounter sila ng isang girlash na may koneksyon sa nasambit na bansa (Hongkong).

Ang nangyari, tinarayan yata ng not-so-young actress ang girlash na may konek sa Hongkong kaya na-detain pala ito ng isang araw roon.

Actually, sa airport lang naman na-detain ang not so young actress at roon napatunayan niya na mahal talaga siya ng kanyang boyfriend sa ngayon (o live-in partner na ba?) dahil sa hindi siya ito iniwanan hanggang sa maayos ang gusot. Kung hindi pa nag-apologize ang ating subject (not so young actress) ay siguradong hanggang ngayon may problema pa rin itong haharapin sa Hongkong.

Kaya sana’y maging moral lesson na ito sa not-so-young actress at bawas bawasan na niya ang pagtataray lalo na’t hindi naman niya kilala ang mga taong kanyang nai-encounter.

Magsilbing aral na rin sana ito kay not so young actress na hindi pala lahat ng bagay ay nakukuha sa pagtataray at wag niyang pairalin ang kanyang kasikatan para lang siya makapag taray.

Again, sobrang napahiya ang nasabing medyo may edad ng aktres lalo na’t marami palang nakasaksi sa nangyaring pagkaka-detain sa kanya sa Hongkong.

Kahit nga ang gwapong boyfriend nito ay nabigla at sobrang kinabahan at baka hindi na pakawalan ang kanyang jowa. Kunsabagay, sa opisina palang naman ng airport na-detain ang not-so-young actress na karamihan sa ginagawa niyang teleserye sa kapuso network ay lumilipad ang kanyang role.

Another clue ang latest TV show ng sinasabing not so young actress na ito ay co-host siya ng isang artista na gwapo at sikat at ang isa pa niyang show ay api-apihan naman siya ng isang malditang kontrabida.

Kilala mo ba siya Bela Padilla?

***

PASINTABI lang po sa mga kumakain hindi kasi kagandahan ang next item hindi kasi kagandahan ang baklang ito na isang road manager ni Arnold Vegafria na mukhang kabayo.

Sus, ginoo! regular na tumatambay sa isang mall riyan sa may Isetann Recto ang subject natin.

Dinadaig na lang niya sa paterno-ternong damit dahil nga sa kahit saang anggulo, hindi siya kagandahan.

Actually sobrang taray ng huklubang baklang ito at karamihan sa naging kaibigan niya sa isang mall ay nagsipaglayuan na sa kanya dahil sa bukod na mataray na ito, may masama pang pag-uugali.

Swapang rin sa lalaki ang nasambit na Road manager ni AV na ito. Tatlu-tatlo kung pumakyaw ng mga lalake sa naturang mall para magpaligaya sa kanya.

Ang nakakaloka pa rito, name dropping pa sa kanyang mga artista hawak sa nasambit na production ni AV.

Bakit? hindi ba niyang makakuha ng mga lalaki kung hindi pa siya mag-name drop ng kanyang mga connections? Minsan naman, kinumusta namin sa kanya ang show na pinagtambalan ni Karla Abellana at Richard Gutierrez.

Naloka kami sa kanyang pagtataray lalo na nung sabihin niya na hindi raw nagre-rate ang nasabing show. Na wala raw chemistry sina Richard at karla.

Hindi kasi ang baklang hukluban na ito ang road manager ni Karla kaya ganon nalang siya makapagsalita pero da- pat sana protektahan pa rin niya ang nasambit na aktres dahil sa ang manager naman nito ay ang boss niyang si Arnold V. Ang baklang ito, makapagtaray lang, hindi niya inisip na ang mga artista ring kanyang kliyente ang nasisira.

Gudluck nalang sayo bakla na may initial na RM. Kilala mo ba si Rod Mira, sir Toni Iral?

***

Sobrang naapektuhan pala ang career ni Bea binene dahil sa nangyayaring gulo sa kanila ng dating kaibigan nilang lawyer na si atty. Ferdinand Topacio.

Bago kasi lumabas ang nasabing serye (Cielo) nila ni Jake Vargas ay samut-sari ng mga intriga ang ipinupukol sa young actress to the point na itinatanggi ng kanilang kampo si atty. Topacio na rati nilang naging lawyer. Kahit nga ang management ng Gma 7 ay pinatotohanan na walang naging ugnayan sina atty. Topacio at ang young actress na si Bea.

Resulta tuloy, naging super flop sa ere ang nasabing serye sa GMA 7 ng young actress. Dahilan kaya hindi ito nagtagal.

Sa ngayon, may mga balitang nag-file raw ng demanda worth 40 million itong si atty. Topacio sa Batangas.

Pero nung makausap ito ng entertainment press kamakailan ay may binigay pa itong option sa kampo ng young ac- tress. Pag nag-public apology lamang raw ito ay hindi na raw niya itutuloy ang demanda.

Well, dati naman palang magkaibigan sina Bea, ang mother niya at si atty. Topacio. Sana maayos pa at makuha sa paupong usapan ang gusot na ito.

Tanong, sakaling ma-Luz Valdez sa korte itong si Ms. Bea, mababayaran kaya niya ang 40 million na hinihingi ni ng magiting na abugado?

Supportahan pa rin kaya si Bea ng management ng GMA 7 kahit na nag-super flop ang kanyang show roon?

Kawawa naman si Jake Vargas. Nadamay tuloy sa pagka-nega nitong si Bea Binene.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply