Notoryus na tulak, kasama tiklo sa Bora

arestado

NAKUMPISKA ang tinatayang anim na sachet ng shabu ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO), Aklan Public Safety Command at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa isang notoryus na pusher at sa kasamahan nito makaraan ang isinagawang buy-bust operation sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Nakuhaan ng limang sachet ng shabu at isang cellphone si Jim Raymund Cumla, 21, ng Tibiao, Antique sa isinagawang body search habang nakuha naman ang dalawang iba pa sa kasama nitong si Jovie Chris Deloquines, 35, ng Villa Arevalo, Iloilo, City.

Nadakip ang dalawa makaraang maaktuhang nagbebenta ng shabu sa isang poseur-buyer ng mga awtoridad.

Narekober sa dalawa ang isang .38 caliber ng baril na may apat na bala.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang dalawang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply