NPC pinaboran ng SC sa isyu ng Manansala mural

TULUYAN nang natuldukan ang isyu ng Manansala Mural matapos paburan ng Supreme Court ang National Press Club sa reklamong qualified theft at paglabag sa Presidential Decree 1612 (Anti-Fencing Law) na isinampa ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ang GSIS ay nagsampa ng reklamo laban sa ilang opisyal ng NPC sa Manila Prosecutors Office  sa pangunguna ng liderato ng dating presidente na si Roy Mabasa at Bise Presidente na si Benny Antiporda.

Ang reklamo ay kaugnay sa sinasabing pagbebenta ng “Manansala Mural” sa isang private art collector noong taong 2007.

Ayon sa GSIS, iligal ang ginawang pagbebenta ng NPC sa mural sa halagang P10 milyon.

Bukod pa sa sinasabing ang GSIS ang tunay na may-ari ng nasabing mural.

Gayunman, sa apela ay kinatigan ng Department of Justice (DOJ) at Court of Appeals (CA) ang posisyon ng NPC na ito ang tunay na may-ari ng mural at walang krimeng naganap sa pagbebenta nito.

Sa huling desisyon ng SC First Division na sinulat ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, kinatigan din ang petisyon ni Antiporda, kasalukuyang NPC president na pagbawalan na si Atty. Berteni Causing na tumayong abugado niya sa mga petisyon sa korte.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang NPC sa SC sa ginawang pagtuldok sa isyu.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply