Obama di kinaya: Romney nag-concede na

NAG-CONCEDE na at binati na ni Republican challenger Mitt Romney si US President Barack Obama sa pagkakapanalo bilang pangulo ng Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni Romney sa harap ng libu-libong supporters sa Boston, Massachusetts kung saan ayon pa sa kanya, ay hangad niya ang kabutihan para sa Pangulo, First Lady Michelle Obama at dalawang anak nito.

Siniguro ni Romney, na kasama siyang magdarasal para sa tagumpay ng liderato ni Obama.

Pinasalamatan din ni Romney ang kanyang pamilya partikular ang misis na si Ann Romney at limang anak, mga manugang at apo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply