Obama wagi sa US Presidential election

MULING naluklok bilang presidente ng Estados Unidos si Barack Obama.

Nagbunyi ang mga tagasuporta ni reelected US President Obama sa iba’t-ibang panig ng Amerika matapos lumabas sa dambuhalang television screen ang projection ng isang cable television network na panalo sa karera para sa White House ang kauna-unang Black US president.

Agad naman nagbigay nagpasalamat sa kanyang mga tagasuporta si Obama.

Sa kanyang Twitter account, pinasalamatan ni Obama ang mahigit 7 milyong volunteers nito na tumulong para muling mahalal bilang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.

Nagpaabot sa pamamagitan ng electronic mail ng pasasalamat si US reelected President Obama.

Sa kanyang sulat, sinabi ni Obama na hindi magaganap ang muling pag-upo nito sa White House kung hindi sa ibinigay na suporta ng kanyang mga volunteers.

“You organized yourselves block by block. You took ownership of this campaign five and ten dollars at a time. And when it wasn’t easy, you pressed forward. I will spend the rest of my presidency honoring your support, and doing what I can to finish what we started,” pahayag pa ni Obama sa kanyang sulat sa mga tagasuporta.

Umabot sa 303 electoral votes ang nakuha ni Obama, kumpara sa 206 electoral votes ni Republican candidate at Massachusetts Governor Mitt Romney. Kailangan lamang ng 270 electoral votes para maging pangulo ng Amerika.

Tinanggap naman ni Romney ang kanyang pagkatalo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply