Obispo oks kay Leonen bilang mahistrado ng SC

marvic-leonen

HINDI tutol ang isang obispo ng Simbahang Katoliko sakaling si chief government peace negotiator Marvic Leonen ang mapili ni Pangulong Benigno Aquino III na italaga bilang susunod na mahistrado ng Supreme Court.

Sinabi ni Basilan Bishop Martin Jumoad na wala siyang nakikitang problema dito lalo na’t ito’y prerogatibo naman ng Pangulo at dapat na respetuhin.

“The president is given that mandate by the Constitution. I have no problem with it,” ayon kay Jumoad.

Idinagdag pa ni Jumoad na ang mahalaga ay magtalaga si Pangulong Aquino ng isang tao na makapagbibigay ng hatol na patas, may integridad at alinsunod sa saligang batas.

“The moment Dean Leonen accepts it he must act independently and be neutral. He must not even take a ‘debt of gratitude’ to the appointing power,” paliwanag pa ni Jumoad. “His decision must always be grounded on the Constitution. If he disregards the law, Congress is there to impeach him.”

Reaksiyon ito ni Jumoad matapos na manguna si Leonen sa shortlist ng mga kandidato para sa posisyon ng mahistrado sa SC.

Nakakuha ito ng pitong boto mula sa eight-member na Judicial and Bar Council, kasama sina Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes, CA Associate Justice Rosemari Carandan at dating Energy secretary Raphael Lotilla.

Bukod sa kanila, kasama rin sa shortlist sina Jose Reyes, Noel Tijam, at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel Diokno.

May hanggang Nobyembre 22 na lamang ang Pangulo para italaga ang bagong Associate Justice ng mataas na hukuman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply