Obispo: Pagbabalik ng ‘two-party system’ sa Pinas, napapanahon

NANINIWALA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon na ang pagbabalik ng ‘two-party system’ sa bansa.

Ang pahayag ni Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Bioethics, ay kasunod nang katatapos na halalan sa Estados Unidos, na mayroong two-party system lamang.

Ayon kay Oliveros, kung magkakaroon ng two-party system tulad sa Amerika ay higit na makikita ng publiko ang pagkakaiba ng naglalabang partido.

Higit rin aniyang mapag-aaralan ng publiko ang mga plata porma de gobyerno ng mga partido, gayundin ang mga plano ng mga itong gawin sa bansa, sakaling sila ang maihalal sa puwesto.

Iginiit pa ni Oliveros na ang ‘multi-party system’ ay nagpapagulo lamang tuwing halalan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply