Pagbuwag sa private armies seryosohin – obispo

bishop-iniguez

NANAWAGAN ang CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pamahalaan na seryosohin ang pagbuwag sa private armies ng mga politiko.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, hindi na dapat hintayin pa ng gobyerno ang national elections bago kumilos sa paglansag ng mga private army.

Sinabi pa ng obispo na ang hakbang na ito ay upang maging ligtas ang gagawing halalan sa 2013.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chairperson Ambassador Henrietta de Villa na kanilang isusulong ang peace covenant ng mga magkakalabang politiko sa bansa lalo na sa mga lugar kung saan mataas ang kaso ng karahasan tuwing eleksyon.

Ito ay matapos na ihayag ng DILG na 15 probinsya ang kabilang sa high risk pagdating sa eleksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply