Obrero arestado sa pagpatay sa kaaway

INARESTO ng awtoridad ang isang construction worker na pumatay sa matagal na niyang kaaway matapos matuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng comfort room ng Muslim Compound sa Roxas Boulevard kaninang umaga sa Pasay City.

Inabutan ng mga barangay tanod sa tinutuluyang bahay na nag-iimpake na ng kanyang mga damit at balak tumakas ng suspek na si Danilo Malusay, 31, naninirahan din sa Muslim compound pasado alas-8 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Allan Valdez ng Investigation Section ng Pasay police, natuklasan ang bangkay ng biktimang si Ryan Magbanua sa loob ng comfort room ng Grand Mosque dakong alas-8:05 ng umaga na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dahil batid ng mga barangay tanod na tanging si Malusay lamang ang kaaway ng biktima, kaagad nila itong pinuntahan sa tinutuluyang bahay.

Nakita pa ng mga tanod sa bahay ng suspek ang sapatos na may bahid ng dugo kaya lalong tumibay ang kanilang hinala na may kinalaman siya sa pagpatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply