Obrero iniwan ni misis, nagbigti

NAGBIGTI sa loob ng kanilang bahay ang isang obrero matapos iwanan ng kanyang misis sa  Novaliches, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Michael Palad,34, may-asawa, ng 8 Nenita Ext. Brgy. Gulod, Novaliches, QC  na nasawi noon din.

Ayon sa ulat ni SPO1 Cristituto Saldariaga ng Quezon City Police District Criminal INvestigation and Detection Unit  (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay ng biktima dakong 7:40 ng umaga kanina sa  loob ng kanilang tahanan sa no. 8  Nenita Ext.  Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sinabi sa ulat, na gigisingin sana ng kanyang anak ang biktima para mag-almusal subalit laking  gulat nito nang makitang nakabitin ang ama sa biga ng kanilang bahay gamit ang isang nylon cord .

Ayon sa ulat bago ang pagpapakamatay ng biktima nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang  asawa dahil sa problemang pinansyal na kanilang kinakaharap bunga ng maliit na kinikita ng   biktima at kung paano bubuhayin ang kanilang limang anak.

Kahapon umalis ng bahay ang misis ng biktima  at hindi umuwi dahilan para magpatiwakal ang  biktima.

Isinailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima para mabatid ang dahilan ng pagpapakamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply