Obrero nakipagbarilan sa mga parak, arestado

PATUNG-PATONG na kaso ang isinampa laban sa isang obrero nang makipagbarilan ito sa mga umaarestong pulis makaraang takasan nito ang isang mag-ama na kanyang nabangga habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide, attempted murder at illegal possession of firearms ang suspek na si Richard Torres, 47, ng Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa pagamutan ang mag-amang sina Esphemar Regunda, 30-anyos, driver, at anak nito na si Kento Jeston, 5, kapwa residente ng Lovewin Compound, Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 kamakalawa ng umaga nang mabundol ng suspek lulan ng isang motorsiklo ang mag-amang Regunda habang tumatawid ang mga ito sa kalsada sa may Lovewin Compound.

Sa halip na hintuan at tulungan ang mga biktima, pinaharurot ng suspek ang motorsiklo upang makatakas.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang Police Community Precinct-San Isidro hanggang sa matukoy ang bahay ng suspek. Papalapit pa lamang ang mga pulis sa bahay nang dalawang beses na nagpaputok sa mga pulis si Torres.

Dahil dito, pinasok ng mga pulis ang loob ng bahay ng suspek hanggang sa tuluyang mapalibutan ito kung saan nagdesisyon na lang ito na sumuko sa mga alagad ng batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply