Obrerong natutulog binurdahan ng saksak, tigbak

crime-scene-chalk-mark

NAPATAY ang isang obrero nang pagsasaksakin ng kanyang naka-alitan kanina sa Lungsod ng Pasay.

Namatay noon din bunga ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Ryan Magbunua, may sapat na gulang, stay in sa ground mosque Brgy.76 Zone-10, Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Samantala, agad naman naaresto nina Mosib Mac at Saipoden Tago, mga residente ng Brgy.76 Zone-10, ang suspek na papatakas sa lugar ng krimen na kinilalang si Danilo Malusay, 31 anyos, construction worker, tubong Old Barli, Aroroy, Masbate.

Batay sa imbestigasyon nina SPO4 Allan Valdez at SPO2 Roy Ramos ng Homicide Section ng Pasay City Police, ganap na alas:8:05 ng umaga naganap ang krimen sa loob ng ginawang palikuran ng biktima.

Sinamantala ng suspek ang mahimbing na pagkakatulog ng biktima at walang habas itong pinagsasaksak sa ibat-ibang parte ng katawan na ikinamatay nito.

Mariin namang itinanggi ng suspek na siya ang may kagagawan ng krimen pero inamin nito na matagal na umano silang may alitan pero ito umano ay naayos na.

Bagama’t itinatanggi ng suspek ang krimen, nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang sapatos nito na nababahiran ng dugo na indikasyon na may kinalaman ang suspek sa pamamaslang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply