Official at qualified candidates sa POC elections

ILANG tulog na lang at malalaman na kung sino ang bagong uupong opisyales ng Philippine Olympic Committee.

Nakatakda ang POC elections sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club sa Muntinlupa subalit mauuna muna rito ay ang pagpapaskil ng listahan ng qualified at ng official candidates sa darating na Lunes.
Pangungunahan ni former Rep. Victorico (Concoy) Chaves ang three-man election committee upang ipinale ang mga quailified candidates para sa POC positions na may at least three eligibility issues to resolve.

Makakasama ni Chaves ang election committee members na sina Ricky Palou ng Ateneo at Bro. Bernard Oca ng De La Salle University upang makipagkita kay POC secretary-general Steve Hontiveros para desisyonan ang mga kandidatong kuwalipikado sa posisyong tatakbuhan.

Ang mga nagsumite ng certificates of candidacy ay sina Jose Cojuangco Jr. ng equestrian at Go Teng Kok ng athletics para presidente ng POC, Romasanta ng karatedo at Manny Lopez ng handball para first vice president, Jeff Tamayo ng soft tennis at Mayor Abraham (Bambol) Tolentino ng chess para second vice president, Romy Ribano ng squash at Julian Camacho ng wushu para treasurer, Prospero (Butch) Pichay ng chess at Godofredo Galindez ng golf para auditor, Monico Puentevella ng weightlifting at Tom Carrasco ng triathlon para chairman at para sa executive board member, Cynthia Carrion ng gymnastics, Hector Navasero ng baseball, Victor Africa ng fencing, Jonne Go ng canoe-kayak, Dave Carter ng judo, Ernesto Echauz ng sailing at Generoso Dungo ng volleyball.

Ang mga re-electionist ay sina Puentevella, Cojuangco, Lopez, Camacho at Carter.

Sina Go, Tolentino at Dungo ay involve sa three eligibility issues to resolve.

Dineklara ng persona-non-grata si Go sa POC General Assembly at inalisan ng puwesto bilang Patafa at karatedo president.

Matapos umapela si Go sa korte ay nagbaba ng desisyon ang Supreme Court na ang pagpapatalsik sa kanya ay walang due process kaya naman nakapagpasa ito ng CoC para sa pagkapangulo ng POC.

Nag file naman Tolentino candidacy at ni represent nito ang secretary-general ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) kung saan ay si Pichay na president ng NCFP ay tatakbong auditor.

Sa POC rules, isang NSA representative lang ang puwedeng tumakbo sa elections.

Kapag na retain si Go sa kanyang posisyon sa Philippine Karatedo Federation (PKF) ay maaaring hindi makasama si Romasanta sa election.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply