OFW madaliang sagipin mula sa digmaan

benny antiporda

LIBO-LIBONG Overseas Filipino Worker ang nanganganib ang buhay sa mga bansang Lebanon, Israel at Syria.

Ito’y dahil sa pananakop na isinasagawa ng Israel sa Gaza Strip na bahagi ng Lebanon upang lumayas o madurog ang grupong Hamas na kalaban ng mga ito.

Kitang-kita sa mga live report ng media kung paano paulanan ng mga bomba ng mga eroplano at drone ang Gaza Strip, sa mismong kabahayan.

At nagkalat na ang mga bangkay na nakikita maging sa mga kalsada.

Nagpapalitan din ng kanyon at missile ang mga Hamas at Israelita at umaabot ang mga bala at missile sa gitna ng mga kabahayan ng magkabilang panig.

Hindi naman imposibleng madamay ang Syria sa giyera dahil kapitbansa nito ang Lebanon.

Sa mga bansang ito, libo-libo ang mga OFW na matatagpuan.

MATAGAL NA PLANO

Walang nakaaalam noong una na matagal nang plinano ng Israel ang pag-atake sa Hamas group na nagtayo ng pamahalaan sa Gaza Strip.

Dito kasi nanggagaling ang mga matitinding kalaban ng Israel na walang panahong nagbibigay ng sakit sa ulo rito.

Hindi kinikilala ng Hamas ang pagkakaroon ng sariling teritoryo ang Israel kaya naman ganito na lamang katindi ang labanan ng magkabilang panig.

BIGLANG ATAKE

Maituturing na blitzkrieg o biglang atake ang ginawa ng Israel.

Nanggagaling ang mga puwersa militar nito mula sa himpapawid, dagat at lupa.

Pinagbobomba at mini-missile ang lahat sa Gaza at kasunod na rito ang pagpasok ng mga sundalo ng Israel sa Gaza Strip.

Kaya naman, nakataya ang buhay ng mga OFW mula sa mga bomda, missile at kanyon at mula sa mga bala ng mga baril sa labanan ng mga sundalo ng Israel at Hamas.

EMERGENCY EVACUATION

Marami na ang tawag mula sa mga OFW para sa agarang pagbabakwit o paglilikas sa kanila.

Nakararating ang mga mensahe ng mga OFW hindi lang sa mga embahada at konsulado ng pamahalaan sa mga bansang nabanggit kundi sa ating bansa mismo, sa mga pamilya ng mga OFW.

Sinasabi ng gobyerno ngayon na kumikilos na ang mga embahada at konsulado  natin para kunin at ilayo sa panganib ang mga OFW.

INUTIL NA TULAD NG DATI

Pero mukhang hindi makakilos ang mga ito nang mabilis, gaya ng naganap na sa nakaraang mga emergency dahil sa digmaan din.

Naganap na rin ito noon sa Lebanon at ngayon ay nauulit.

As usual na yatang sakit ng gobyerno ito.

Ito’y sa kabila ng pagmamayabang ng pamahalaan na alerto lagi ang gobyerno sa pagtatanggol sa mga OFW dahil sa ang mga OFW ang salbabida ng buong bansa sa krisis sa ekonomiya.

PATAY NA OFW

Wala pang nakatitiyak kung may namatay nang mga OFW.

Ito’y dahil sa tuloy-tuloy na digmaan at halos walang panahon para sa sinoman na kunin at iulat kung sino-sino ang mga may bangkay na natatagpuan sa mga lugar na inaabot ng mga bomba at bala ng kanyon.

Pero paano kung mayroon nang mga namatay?

Siyempre pa, bukod sa panganib sa buhay, sirang-sira na ang buhay ng mga OFW.  Walang nang silbi para manatili pa ang mga ito sa mga lugar ng giyera.

Hindi na pinag-uusapan dito ang mga padala ng mga OFW sa mga pamilya.

Ganyan katindi ang sitwasyon ngayon hindi lang sa Gaza Strip kundi maging sa buong bansa ng Lebanon na rin at ilang bahagi ng Israel at Syria.

WALANG RESPONSE TEAM

Noong nakaraang mga panahon, may nakatalagang  emergency response team mula sa ating bansa.

Noon, pinag-uusapan ang mga lugar na pagtatakasan ng mga OFW, ang mga barko, bus at eroplanong kanilang masasakyan.

Kasama na rin ang mga suplay para sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga ito.

Ngayon, dahil sa bilis ng pangyayari na para ring pag-atake ng mga Hapon noon sa Pearl Harbor na hindi napaghandaan ng mga Kano, ganito rin ang naganap.

PAGLAWAK NG DIGMAAN

Lalong maging masama ang kalagayan ng mga OFW kung lalawak ang digmaan.

Yun bang === kung may makikialam na ibang mga bansa.

Ang makikialam na bansa ay maaaring kontra o pabor sa Hamas o Israel.

Kung magsimula nang lumahok ang mga militar ng  ibang bansa, lalong higit na bilang ng mga OFW ang dapat na pag-isipang i-rescue mula sa panganib.

Hindi na lang libo-libong OFW ang magiging biktima ng kamatayan, sugat, gutom, displacement, kawalan ng kita at sahod at marami pang anyo ng paghihirap.

AKSYON NG PAMAHALAAN

Dahil sa mabangis na digmaan na posibleng lumawak pa, ang karampatang pagkilos ng pamahalaan ay lubhang kinakailangan.

Bukod sa sarili nitong kakayahan na magliligtas sa mga OFW, kinakailangan din nitong muling makipag-ugnayan sa ibang mga bansa na makatutulong dito.

Makatutulong nang malaki ang United Nations dito at dapat na mabilis na makipag-ugnayan dito ang pamahalaan.

Ang lahat ng kailangan ng mga OFW ay dapat na ibuhos ng pamahalaan, kasama na ang pondong gobyerno.

Walang silbi ang tinatawag na “tuwid na daan” kung mabibigo ang pamahalaan na kalingain ang mga OFW sa gitna ng buhay at kamatayan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply