OFW nakatakdang bitayin ngayong Linggo

pusher

ANUMANG araw ngayong Linggo ay bibitayin na ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakapatay sa kanyang Sudanese landlord may dalawang taon na ang nakalilipas.

Nabatid kay Vice President Jejomar Binay, gumagawa siya ng mga huling hirit para mabigyan pa ng pagkakataong mabuhay ni Joselito Zapanta, 32, taga-Mexico, Pampanga.

Napag-alaman na humihingi ng SAR 5 milyon o P55 milyon ang pamilya ng biktima bilang blood money kung hindi ito maibigay ngayong Nobyembre 14, tuloy ang pagbitay kay Zapanta.

Ayon kay Binay, nagtakda ng P5-milyon ang gobyerno ng Pilipinas upang tulungan ang pamilya ni Zapanta na makalikom ng P55-milyon.

Sumulat na rin si President Benigno Aquino III kay King Abdullah nitong nakalipas na buwan upang bigyan pa ng pagkakataon ang pamilya Zapanta na makapaglikom ng naturang halaga.

Ayon pa kay Binay, mula pa nang maaresto si Zapanta noong 2009 ay hindi bumitaw sa pagtutok at pagtulong ang gobyerno sa kanya.

Nanawagan si Binay sa mga kababayan na ipagdasal si Zapanta at ipinaalala sa mga Pilipino na irespeto at sundin ang batas na ipinaiiral sa ibang bansa.

Si Zapanta ay hinatulan ng kamatayan ng Saudi Court of First Instance noong April 13, 2010.

Si Zapanta ay namasukan sa Saudi bilang tile setter subalit umalis sa unang employer dahil hindi pinasahod ng anim na buwan.  Naghanap na muli ng trabaho at nangupahan ng maliit na kuwarto na pinamamahalaan ng isang Sudanese.

Hindi pa man araw ng bayaran ay siningil na siya sa renta kaya’t nagalit sa kanya ang Sudanese hanggang bugbugin siya at ipagtanggol naman ang sarili na nauwi sa pagkamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply