OIC ng Bureau of Corrections, sinibak ng DOJ

DOJ

MALIBAN sa mga sinibak na senior officials ng New Bilibid Prisons, aalisin na rin sa pwesto si Bureau of Corrections Officer in Chagre Manny Co.

Sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan, may napili na silang mas matigas at mas matapang na maaring ilagay bilang hepe ng NBP.

Tumanggi pa si Baraan na banggitin ang pangalan ng ipapalit kay Co, pero tiyak aniyang hindi na ito isang dating police o military official.

Aminado naman si Baraan na kontrolado ng illegal drugs money ang maximum security compound ng NBP, at hindi nila batid kung bakit hindi ito matapos-tapos.

Sinabi ni Baraan na mallinaw na related sa drug war at gang war ang pagtatapon ng granada sa loob ng maximum security ng NBP noong biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply