Oil firms nagpatupad ng price hike ngayon

NAGPATUPAD ng price hike ang ilan komoanya ng langais epektibo ngayong umaga.

Sumipa na kaninang alas-6:00 ng umaga, sa P0.60 kada litro ng gasolina, P0.70 sa diesel at P0.50 sa kerosene ang ipinataw na dagdag presyo ng Petron, Chevron, Shell at Flying V.

Sa katulad na oras nagtaas ng presyo ang Phoenix Petroleum sa parehong
halaga maliban sa kerosene.

Matatandaang noong Martes, Nobyembre 20, nagpatupad na rin ng higit P1
dagdag-presyo sa gasolina ang mga kompanya ng langis.

Kahapon, nag-abiso na ang Department of Energy (DoE) kaugnay sa oil
price ng mga kompanya ng langis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply