Oil price rollback, asahan ngayong linggo

oil-price-hike

NAKA-AMBANG magpatupad ng oil price rollback ang kompanya ng langis ngayong linggo.

Ayon sa ulat, inaasahang nasa P0.75 sentimo hanggang P1.00 ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Habang sa gasolina naman ay posibleng aabot sa P0.10 hanggang P0.20 ang magiging diskwento sa kada litro nito

Nabatid na sa kasalukuyan  bumababa na ang presyo ng mga imported na gasolina na umabot ng P0.17-P0.20 sentimos kada litro.

Samantala nasa P0.75-P0.78 sentimos kada litro ang ibinaba ng mga imported na diesel.

Batay sa ulat ng Department of Energy (DoE) ang napipintong price rollback sa gasoline ay bunsod ito ng patuloy na paglakas ng piso kontra dolyar na tinatayang tutuntong sa P40 kontra sa isang US dollar bago matapos ang taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply