Oldest Pinoy bishop pumanaw na

cbcp

INIULAT ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na pumanaw na ang pinakamatandang obispong Filipino sa bansa kahapon sa edad na 92.

Ayon sa CBCP, si retired San Pablo Bishop Pedro Bantigue ay nasawi dakong 2:45 ng hapon kahapon o dalawang buwan bago ang kanyang ika-93 taong kaarawan.

Sa ipinadalang impormasyon sa CBCP ng St. Claire of the Missionary Sisters of the Holy Face of Jesus, na itinatag ng obispo, si Bantigue ay nasawi habang nasa intensive care unit (ICU) ng San Pablo Medical Center dahil sa internal bleeding.

Hindi naman umano matukoy ni Dr. Cynthia Sanchez, physician ni Bantigue kung ano ang pinagmumulan ng naturang pagdurugo.

Nabatid na ang obispo ay dating kalahok sa makasaysayang Second Vatican Council sa Roma may 50-taon na ang nakakaraan.

Siya ay isinilang noong Enero 31, 1920 sa Hagonoy, Bulacan at naordinahan siyang pari noong Mayo 31, 1945.

Nagsilbi rin siya bilang kalihim ng arsobispo ng Maynila mula 1945 hanggang 1954.

Nang maordinahan siya bilang obispo noong Hulyo 25, 1961 ay agad din siyang naluklok bilang Auxiliary Bishop ng Maynila.

Nakatakdang ianunsiyo ng CBCP ang mga detalye ng burol at libing ni Bantigue sa mga susunod na araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply