On lesbians and other related topics

BB-Gandanghari

MARAMING kabadingan at halos umapaw pa nga, ang stage, TV, at indie films sa bansa sa mga pagtatanghal na may kabadingan o tungkol sa kabadingan. Ang pinaka-pinag-uusapan yata ngayon na pagtatanghal tungkol sa kabadingan ay ang Sayaw ng mga Seniorita dahil magkasama ru’n ang dalawang mahusay na bading na direktor-aktor na sina Soxy Topacio at Joel Lamangan, pati na ang comedian-writer na si Manny Castaneda.

Sa Cultural Center of the Philippines, kung saan  ito unang itinanghal bilang bahagi ng National Theater Festival, kasali rin si Bb Gandanghari, ang bading na gustong maging babae (at hindi lahat ng bading ngayon ay gustong maging babae; marami nang gusto lang maging bading, hindi babae).

May tatlong pagtatanghal pang magaganap sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo sa Nobyembre 23-24. Sa Biyernes ay alas siyete ng gabi ang pagtatanghal. Sa Sabado ay sa alas tres ng hapon at alas siyete ng gabi ang pagtatanghal. Tumawag sa Gantimpala Theater para sa presyo ng mga tiket. Hindi na kasali sa pagtatanghal sa AFP Theater si Bibi. Hindi naman siguro sa ayaw na n’ya o dahil dinamdam n’ya ang pagpapakasal ng ex-wife n’yang si Carmina Villaroel sa live-in boyfriend nito for 12 years na si Zoren Legaspi. Baka talagang yung para sa CCP show lang siya nagpakontrata.

Kelan naman kaya daragsa ang mga pagtatanghal tungkol sa kalesbyanahan o yung mga may karakter na lesbyana? Ultimong yung network na may ilang executives na lesbian, parang iwas na iwas gumawa ng kung ano’ng show na may kinalaman sa mga lesbyana o may karakter man lang na mga lesbian. Ayaw ba ng mga lesbian na maunawaan at matanggap sila ng madla na gaya ng pagtanggap sa mga badidang na ang kabaitan at pangangailangan sa tawag ng laman ay pinagsasamantalahan ng mga lalakeng walang talent o skill sa marangal na hanapbuhay?

Ayon sa mga nakakatsika namin na mga authority sa sexuality o gender, mas maraming lesbyana na hindi tomboy, hindi kilos lalake, at hindi nagpu-project na lalake. Aba, marami na rin mga bading na ganyan lalo na yung mga pa-gym-gym!

Naalala n’yo pa bang gumanap ng lesbyana si Judy Ann Santos? At yon ay nung 2004 sa pelikulang Sabel na idini- rek ni Joel Lamangan para sa Regal. Ang aggressive lesbian sa nasabing pelikula ay si Sunshine Dizon. Lesbyana si Juday sa istorya, pero nobisyada (magma-madre) na ginahasa ng isang preso, itinigil ang pagmamadre, nag-asawa, nagkaanak, at eventually ay naging aktibista, at nagkaroon nga ng relasyon sa isang lesbyana (which means lesbyana siya, lalo pa’t wala namang bayaran na nagaganap sa relasyon nila).

Opo, pwedeng magkaasawa’t anak ang isang lesbyana pero di pa rin tumitigil sa pagiging aktibong lesbyana. Pang-additional experience lang sa kanila ang pag-aasawa ng lalake, pag-aanak, pagiging misis at nanay. Lesbyana pa rin ang puso nila.

Kamakailan, may nakilala kaming mga premyadong literary writers na parehong lesbian. Na-meet namin sila sa 3rd Philippine International film Festival na ginanap sa Ayala Museum nung Nobyembre 14-16. Hindi sila lovers pero kung hindi nila aamining lesbian sila, hindi n’yo iisiping ganu’n sila. Yung isa nga, si Nerisa del Carmen Guevara, ay nakasabay namin sa elevator na may kasamang guwapong lalake na parang mas bata sa kanya at akala namin ay boyfriend n’ya. Nung pumasok kami sa isa sa mga seminar rooms na ang papaksain ay gay and lesbian writing, nadiskubre naming lesbian pala si Nerisa (na ang palayaw ay Richie) at isa siya sa speakers sa session na yon.

Yung isa pang lesbian writer ay si Jhoanna Lynn Cruz. Nagkaasawa na siya ng lalake noon at nagkaanak. Teenager na ang anak n’ya ngayon.

May inilabas na anthology of lesbian short stories n’ya si Jhoanna at nabalitaan yon ng anak n’ya. (Anvil ang publisher ng anthology at hindi kung anong balahurang publisher lang.) Minsan, nasa taxi raw sila at biglang itinanong ng anak kung totoong lesbian siya dahil nabalitaan nga nung daughter n’ya ang tungkol sa kanyang anthology.

Buong ningning na sumagot naman ang ina na, oo, lesbyana siya. Hindi naman daw naloka ang anak n’ya sa pag-amin n’yang iyon.
Ang kahuli-hulihang pelikula nga pala na napanood naming na may lesbian character ay yung Nino ng Cine Malaya. Ang isa sa mga lesbians ru’n ay si Shamaine Centenera na may lover na ka-live-in n’ya (na, siyempre pa, ay lesbian din, pero di namin matandaan kung sino siya).

Nurse si Shamaine sa istorya at anak ng relihiyosang babae na ginampanan ni Fides Cuyugan-Asencio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply