One day, nagkasundo.. parang magic!

NAKAKUWENTUHAN namin si Angelica Panganiban sa 4th anniversary ng ‘Banana Split’ pocket interview at inalam  namin ang reaksyon sa pag-amin ni John Lloyd sa kanilang relasyon. Hindi lang perfect Sunday ‘yun kundi perfect araw-araw.

“Ano kasi, mahirap sabihin kung ano ‘yung nararamdaman niyo, di ba? Kasi nanggaling ako sa isang relationship na open sa lahat. Open ako at walang ipinagdamot sa tao. Ngayon na may nagsalita, parang inamin ni John Lloyd na kami na, may mga tao na sasabihin na, o aamin din pala kayo, ganyan-ganyan, parang ano ba ang gusto talaga ng publiko?
Magsasalita ba kami o hindi, di ba? So, siguro mas mabuti ‘yung inamin naming kami na. Kung may mga masaya, di good for you guys, masaya kayo . ‘Yung mga hindi masaya, sasaya rin kayo eventually para sa mga life.

“Ayaw kong bigyan ng detalye ang mga bagay-bagay kasi hindi para pagpiyestahan ang mga tao ang personal kong buhay. Mas  maganda ‘yung ganoon, mas private, mas ako ‘yun. Amin na sanang dalawa ‘yun. At ‘yung mga masaya na gustong makisali, welcome naman lahat, e. Pero ‘yung mga nega, hindi namin kayang i-take ‘yun,” deklara niya.

Damang-dama ng publiko ang happiness nilang dalawa.

“Iba, e! Parang out of this world. Parang hindi mo alam na meron palang nag-i-exist na ganoong klaseng happiness. Pwede pala ‘yun. May dalawang tao na magkakasundo. Kaya niyong suportahan ang isa’t isa. Ganon kasimple, walang hassle, walang issue, walang problema,” deklara pa niya.

Ang feeling ba niya ngayon ay finally complete dahil umamin si JLC?

“Alam niyo, hindi ko puwedeng i-base na yes kumpleto na ako dahil magsalita siya sa ‘The Buzz’. Wala lang ‘yun. Kung ako man ‘yung nakaupo run at tatanungin ako, oo sasabihin ko kami, di ba? Hindi makukumpleto ang buhay ko dahil sa nasabing interbyu, di ba? Siguro mas masasabi kong okey ako ngayon, mas kumpleto ‘yung nararamdaman ko dahil may nagpapasaya sa akin ngayon, may nagpupuno sa mga nawala sa akin.”

Kumusta ang pamilya nila ni JLC? Pareho bang masaya para sa kanila.

“’Yung nangyari kasi sa amin umpisa palang magkaibigan kami. Magkaibigan ‘yung parents niya at saka mama ko. Hayun, nang magkita-kita kaming lahat, e, nagkagulatan na lang kami. One day pala ay magkikita kami sa ibang paraan. Iba na ‘yung tingin mo sa kanila, di ba?”

Sabi ni John Lloyd wife material ka?

“Talaga? Okey naman. Ha!ha!ha!,” sabay tawa niya.

Ayaw rin niyang magsama sila sa isang project ni John Lloyd pagkatapos ng pelikulang 24/7?

“Mahirap e! Nakakailang,” sey pa niya.

“Nagkasama naman kami rati sa ‘Maging Sino Ka Man’ at nagkatrabaho rito sa 24/7. Iba kasi ‘yun, talagang trabaho. Work ganyan. Hindi mo rin akalain na one day, magkakasundo kayo, parang may spark, may magic,” bulalas niya.

“Dati naman, hindi kami close. Hindi namin pinapansin ang isa’t isa. Hindi kami bonding, walang ganoon. Pag nag-uusap kami as in small talk ganyan. Kahit noong nasa Vietnam kami.”

So, ano ‘yung pangyayari na may something pala may magic, may konek?

“Siguro ano, dumating kami sa point ..sa kuwentuhan ganyan. Habang nagkukuwento ako at nagsi-share ng mga experience sa buhay, nagulat ako na may tao palang ganon. Actually, may lalaking makikinig sa akin at hindi sumasabat.
Tapos, hayun, na-enjoy ko ‘yung kuwentuhan.”

Pumasok ba si John Lloyd na naghi-heal pa lang ‘yung past relationship niya o totally naghilom na ‘yun?

“A, hindi, e! Mahirap ‘yun i-identified kasi kung ano man ‘yung nangyari sa akin.. sa past ko, desisyon ko naman na hindi ‘yun ikuwento sa public dahil hindi naman ‘yun ang ipinangako ko sa nakaraan ko. So, tapos na ‘yun..wag nang pag-usapan pa,” sambit pa niya.

Yeah Ba!

-0o0-

PARTE ng month-long celebration ng 4th year anniversary ng Banana Split ang birthday episode ni Angelica Panganiban sa Nov. 10 na ginanap sa Club Mwah.

Abangan kung paano siya sinorpresa ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ano ang nakakakilig na ginawa nila?

Nakapag-taping na nu’ng Tuesday ng birthday presentation si Angel sa naturang comedy show dahil aalis siya papuntang abroad.

Kung ginawan ng kanta ni Angel si Lloydie entitled ‘Barcelona,’ balita namin may tula na ring ginawa ang magaling na actor. Abangan na lang kung babasahin ito ni John Lloyd sa ‘Banana Split’ at kung ano ang nilalaman nun.

Nagpapasalamat si Angelica sa kanyang Banana Split family at sa mga patuloy na tumatangkilik sa comedy show para sa masayang apat na taon. “Sobrang blessed po ako at naging parte ako ng show na ito. Gusto ko kasi talaga yung nagpapasaya,” sey niya.

Maliban sa birthday celebration ni Angelica, marami pang kaabang-abang na inihanda ang Banana Split para sa mga susunod na Sabado. Ang Banana Split ay binubuo nina John Prats, Pooh, Zanjoe Marudo, Jason Gainza, Melai Cativeros, Ryan Bang, Angelica Panganiban at iba pa. Panoorin ito tuwing Sabado pagkatapos ng Toda Max sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply