OPAPP kokopya sa Spain ng otonomiya

GINASTUSAN ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang pagtungo sa Spain ng ilang mambabatas upang pag-aralan ang mga otonomiyang umiiral sa nasabing bansa para sa bubuuing Bangsamoro Region.

Ito ay bahagi ng pinag-aaralan ng gobyerno na usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Dalawang kongresista at isang senador ang kasama ng mga opisyal ng OPPAP na bumiyahe sa Spain.

Kabilang dito sina House Defense Committee Chairman Rodolfo Biazon at House Committee on Peace, Reconciliation and Unification chairman Jesus Sacdalan gayundin si Senador Teofisto Guingona III.

Sinabi ni Biazon na ang Spain ay mayroong 17 autonomous region na iba-iba ang uri ng nakalatag na kapangyarihan at wealth sharing sa kanilang national government.

Partikular na tinututukan ng OPAPP at mga mambabatas ang sistema ng otonomiya ng Navara, Madrid at Toledo.

Tiniyak ni Biazon na anuman ang findings nila dito ay magagamit ng lehislatura kapag pinagdebatehan na ang panukalang bubuo ng Bangsamoro region.

Subalit kailangan ituloy ang kampanya ng suporta para dito dahil ang susunod na Kongreso ay mababago na ang kumposisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply