Operasyon ng LCMC sa Benguet, pinatitigil

NANAWAGAN ngayon ang mga residente sa Benguet sa pamahalaan na ipatigil ang operasyon sa pagmimina ng Lepanto Consolidated Mining Company (LCMC) dahil sa pagtagas ng nakalalasong kemikal.

Dahil dito, nababahala ngayon ang mga residente sa Mankayan, Benguet dahil sa posibleng pagtagas ng kemikal mula sa tailings dam ng LCMC.

Ayon kay Marlo Pablo, pangulo ng grupong Save the Mankayan, dapat itigil muna ng minahan ang operasyon nito dahil naabot na ng tailings dam ang maximum level ng kemikal na laman nito.

Ayon pa kay  Pablo, posibleng maging panganib sa kalusugan ng mga residente ang tatagas na kemikal sakaling naihalo ito sa mga ilog at nainom ng mga hayop.

Iginiit ni Pablo na makasisira rin ito sa negosyo ng mga residente sa pagtatanim ng mga gulay.

Sinabi pa ni Pablo na ayaw nilang mangyari sa kanila ang kinahinatnan ng pagkakasira ng Philex tailings dam number 3 matapos humalo sa Balog at Agno river ang mga kemikal na tumagas mula rito.

Iginiit pa ni Pablo na hindi sila titigil sa pagpoprotesta laban sa minahan at ang pagbarikada nila sa lugar na isinasagawa ang mining exploration.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply