Operational guidelines sa 2013 elections, tatalakayin ngayon

MAGPUPULONG ngayong araw ang Commission on Elections (Comelec), Armed Forces of the Philipines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa paghahanda sa 2013 midterm elections.

Pangunahing tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang mga operational guidelines na kanilang ipatutupad sa darating na halalan.

Magkakaroon din ng palitan ng opinyon at may mga lilinawin sa guidelines kung saan ito ay magiging panuntunan ng AFP at PNP upang makamit ang secure and fair election (SAFE) sa 2013.

Una nang tinukoy ang 15 probinsya na sinasabing hotspots o critical areas sa panahon ng halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply