Opinyon na pwedeng maka-mislead sa publiko!

MATARAY rin pala itong si Atty. Jose Sison, host ng TV show na Ipaglaban Mo na sa November 10 (Sabado), 2:30 pm, ay mabubuhay uli sa GMA News.

Pero taray ng isang gentleman ang taray n’ya. Nang tanungin namin siya kung napapanood n’ya kung ano ang kaibahan ng show n’ya sa Public Atorni ng TV5, ang deretsahang sagot n’ya ay: “Nakapanood na rin naman ako ng ilang episodes ng show na yon. May halong opinyon yon ng isang abugado. Mga opinyon na pwedeng maka-mislead sa viewers…”

Take note, ang sinabi n’ya ay PWEDENG maka-mislead. Hindi n’ya sinabing nakami-mislead.

Happily, wala pa naman tayong nababalitaang mamamayan na na-mislead sa mga legal opinion ng mabait at very motherly Atty. Acosta na chief ng Public Attorney’s Office ng Department of Justice. At tuwing nagpapahayag naman siya ng opinyon sa show n’ya, laging batay rin naman yon sa batas. Posible ngang dahil kay Atty. Acosta ay pamilyar na tayo sa terminong “Republic Act” na siyang pormal na tawag sa ating mga batas.

On the other hand, kahit na ang battleline na Ipaglaban Mo ay “Kapag may katwiran, ipaglaban mo!” nilinaw ni Atty. Sison na hindi legal advice show yon. Hindi sila nagpapayo: siya at ang anak n’yang si Jopet Sison na co-host n’ya sa show. “Ang ipinapalabas namin ay pagsasadula ng mga kaso na naresolba na ng Supreme Court, kaya halos imposible nang mabago. And, definitely, hindi mababago ng opinion namin ang naging pasya ng Korte Suprema,” pagtutuwid pa ng kagalang-galang na si Atty. Sison.

Sa ABS-CBN 2 huling napanood ang Ipaglaban Mo. Naka-ten years ito roon at huli itong naipalabas sa Kapamilya Network nung 2001.

Actually, sa IBC-13 ito unang sumikat bilang blocktimer na ipinoprodyus ng Ipaglaban Mo Foundation at idinidirek ni Nick Lizaso.

Dalawang beses itong ginawang pelikula ng Star Cinema at tandang-tanda pa ni Atty. Sison na ang kamakailan ay yumaong si Marilou Diaz Abaya ang nagdirek nung unang pelikula na nagtampok kina Aiko Melendez at Chin Chin Gutierrez na nag-aaway sa custody ng isang bata.

Pero kahit na na-identify ang Ipaglalaban Mo sa ABS-CBN, buong giting na ipinahyag ni Atty. Sison na ang show at ang concept nito ay pag-aari ng Ipaglaban Mo Foundation kaya pwede nila itong dalhin kahit saang network nang walang pasintabi sa Kapamilya Network. Pero hindi naman ibinoluntaryo ng magiting na abugado ang pahayag n’yang iyon.

Actually, sagot n’ya yon sa tanong ng isang showbiz reporter nung press conference nung Lunes ng gabi para sa revival ng show sa GMA News. Ang tanong ay kung hindi ba sila hahabulin ng ABS-CBN sa pagri-revive nila ng show sa ibang network.

Napag-alaman rin namin mula sa rating Quezon City councilor na si Jopet Sison na pwede nilang gamitin uli sa bagong Ipaglaban Mo ang alinman sa mga kasong nai-reenact na noon sa ABS-CBN o sa IBC 13.

Paliwanag ni Jopet: “Ang pwede naming ulitin ay yung istorya, pero di namin pwedeng gamitin yung mga lumang script o lumang tapes. Kailangan, ipa-rescript namin, i-casting uli, at i-retaping, kasi nga property na nila lahat ng episodes na nag-air sa network nila.

“Pwede naming ulitin yung mga istorya dahil batay naman yon sa public records ng Supreme Court.“

Ayon naman kay Atty. Sison, kahit na batay sa public records ang Ipaglaban Mo, pinapalitan nila ang pangalan ng mga tauhan para maprotekthan yung mga nasangkot sa istorya pero mga inosente naman at hindi naman kabilang sa mga nagdemanda at idinemanda.

Si Dante “Nico” Garcia nga pala ang nagdirek ng pilot episode na ipalalabas sa Sabado, pati na yung mga susu- nod na episode sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Si Dante, na kilala rin sa tawag na “Ga”, ang director ng Ploning ni Judy Ann Santos noon. Ang GLAD company ni Dante ang nangangasiwa sa pagpoprodyus ng bawat episode, pero ang talagang may proyekto nga noon ay ang Ipaglaban Mo Foundation.

Sina Gladys Castro at Dominic Roco ang pangunahing bituin sa re-launching episode sa Sabado.

Tungkol ito sa custody case sa pagitan ng grandparents ng isang sanggol at sa ama nito.

Napaka-positive at wholesome ng episode, kaya pwede itong panoorin kahit ng mga bata.

Sa susunod na episode naman, matutunghayan ang pasya ng Korte Suprema tungkol sa isang babaeng gustong makipaghiwalay nang ligal sa mister n’ya dahil napag-alaman n’yang bakla pala ito. Kaabang-abang na episode, di po ba?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply