Opisyal na sangkot sa droga ipinabubulgar sa PDEA

arturo-cacdac1

PUPWERSAHIN ng ilang kongresista na mapaamin sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sinu-sino ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga.

Sa pamamagitan ng inihaing House Resolution 2895 ni House Minority Leader Danilo Suarez, binanggit nito ang impormasyong nagmula sa PDEA na nasa 53 government officials ang diumano’y sangkot sa iligal na droga.

Batay sa impormasyong inilabas ni PDEA director-general Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. merong dating kongresista, dating mayor, 13 barangay chairmen, 30 kagawad, dalawang municipal councilors, isang vice mayor, dalawang kasalukuyang  at isang city councilor ang nasa listahan ng PDEA ngunit walang inilabas na pangalan.

Nais din ni Suarez na banggitin ng PDEA kung ang mga nabanggit na opisyal at politico ay pusher o user.

Nangangamba si Suarez na maaaring gamitin sa pangangampanya sa 2013 elections ang drug money kung kaya marapat lamang na ihayag na ang mga ito sa publiko.

Sa kanyang resolusyon ay nais ni Suarez na “appropriate committee of the House of Representatives summon and compel the PDEA to identify the politicians and their relatives who are included in its watchlist.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply