Opisyal ng QCPD galante sa asawa

SOBRANG galante raw nitong  isang opisyal ng Quezon City Police District sa kanyang misis, lalo na raw kapag ito ay galit na galit dahil sa selos.

Ayon sa source ng Lily’s Files, ang opisyal na ito ng QCPD  na  isa sa 12 station commanders  ay siya rin umanong may hawak ng  jueteng sa  Quezon City.

Kaya naman pala napaka- generous ng opisyal na ito sa kanyang  misis kapag nagagalit dahil agos pala ang dating ng pera sa kanya.

Kamakailan, nagpunta ang opisyal na ito sa tanggapan ng isa pang opisyal sa Kampo Karingal  kung saan ay ipinagmalaki  ni Col. “GL” na dala-dala niya ang susi ng sasakyang Tucson na kanyang ireregalo sa kanyang misis dahil nagagalit umano ito sa kanya.

Ang nasabing sasakyan na Tucson ay  kabibili lang umano niya  at ito ang kanyang gagawing “peace offering” sa kanyang  galit na galit na asawa.

Sinabi rin ng  opisyal na  kamakailan ay  binilhan niya ng Fortuner ang kanyang asawa dahil  nagagalit ito at nagseselos.

Ang sarap naman palang galitin ng opisyal na ito, napakagalante. Sana gayundin siya sa kanyang mga tao at mahihirap na  mamamayan.  Ang kaso sa  asawa lang niya siya generous kasi may itinatagong baho.

Napag-alaman din na kahit saan daw mapunta ang opisyal na ito, ang kanyang tanggapan ay may sariling  daan o sikretong daan para nga naman may maraanan ang kanyang “kaibigang babae”  kapag dumarating ang kanyang asawa.

Tanong ko lang sana ay kung ganito rin ba kagenerous itong si Col. “GL”  sa kanyang mga bisitang babaeng  natutulog umano sa kanyang  opisina?

Sinasabing bagyo raw ang lakas nitong si Col. “GL”  kay QCPD Director, Gen. Mario Dela Vega, dahil ito raw ang money-maker ng Heneral at, sa katunayan, lahat umano ng gusto nitong si Col. “GL”  ay kanyang nakukuha.

Ang suwerte naman talaga nitong opisyal na ito. Biruin mo naman,  bawal daw  ang jueteng sa Quezon City pero ang opisyal na ito ang siyang nagpapa-jueteng  pero hindi

matanggal-tanggal  sa kanyang puwesto. BAKIT?????

Talagang hindi pa rin matanggal-tanggal ang palakasan sa  hanay ng pulisya at isa na itong si Col. “ GL”  sa nakikinabang sa  ganitong kalakaran.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 0915-5683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag-email lang sa  lpr_2012-@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply