Orcollo tinumbok ang No. 2 sa WPA ranking

MALAKING bagay para kay Pinoy cue artist Dennis Orcollo ang pagkakapanalo nito sa China Open at ang pagsegundo sa US Open 9-Ball Championship dahil umangat ito sa pangalawang puwesto sa World Pool-Billiards Associatoin (WPA) ranking.

Nakalikom ang 33-anyos na si Orcollo ng 1,620 points sa limang torneo na sinalihan upang umakyat at lampasan ang dating No.1 na si Darren Appleton ng England.

Nasa pang-limang puwesto muna si 2011 WPA World Pool Player of the Year Orcollo bago ilabas ng WPA international federation noong Nobyembre 6 ng ranking.

Bumagsak si former World 9-Ball Open Appleton sa pangatlong puwesto habang nasa unahan na si Chang Jung Lin ng Chinese Taipei na may 1681.

Sa dalawang torneyong napanalunan ni Orcollo ay nakakuha ito ng pinagsamang 930 pts. (China Open, 600 at US open, 330).

Ang dating World Junior Champion ng Taipei na si Ko Pin-Yi at Chinese pool wizard Li He-wen ang nasa ikaapat at limang puwesto na may 1535 at 1489 pts. ayon sa pagkakasunod.

Tanging si Orcollo ang Pinoy na nasa top ten dahil si Lee Van Corteza ay nasa ika-14th puwesto taglay ang 929 at si Roberto “Superman” Gomez ay nasa ika-20th puwesto sabitbit ang 695 pts.

Nagsimula na kahapon ang WPA event na All Japan Championship at dito madedeklara kung sino ang hihirangin bilang Player of the Year sa bilyar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply