Our Lady of Mt. Carmel Shrine Parish sa QC, dineklarang pilgrimage church

mt-carmel-parish-church

MABIBIGYAN na ang maraming Katolikong Pilipino ng pagkakataong makadalo sa isang pilgrimage.

Ito’y matapos na ideklara ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang Our Lady of Mt. Carmel Shrine Parish sa New Manila, Quezon City bilang ‘pilgrimage church’ para sa Year of Faith.

Layunin umano nito na magkaroon ng ‘plenary indulgence’ ang mga pilgrims na bibisita sa simbahan at magkaroon ng ‘spiritual journey’ sa kanilang sarili.

Ayon kay Assistant parish priest Fr. Ransom Rapirap, ang mga taong nais mag-pilgrimage sa shrine ay maaaring makibahagi sa ilang banal na gawain o di kaya’y magkaroon ng recollection at sinserong meditasyon na kinabibilangan ng pagdarasal ng Ama Namin, pagpapahayag ng Pananampalataya, inbokasyon sa Mahal na Birheng Maria at sa mga banal na apostol o mga patron.

Sinabi ni Rapirap na ang plenary indulgence ay nangangahulugan na ang isang tao ay makakaramdam ng grasya mula sa Panginoon, tuluyang pagkahiwalay mula sa kasalanan at manalangin para sa mga intensiyon ng Santo Papa.

Kailangan rin umanong tumanggap ang isang indibidwal ng Sacrament of Reconciliation o pangungumpisal at banal na komunyon sa loob ng 20 araw bago o matapos nitong makumpleto ang iba pang relihiyosong aktibidad.

Aniya, ang mga taong hindi maaaring magtungo sa simbahan dahil sa karamdaman ay maaari pa ring magkaroon ng plenary indulgence sa pamamagitan nang pananalangin ng Ama Namin, pagpapahayag ng Pananampalataya at iba pang panalangin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply