Overcharging sa singil sa kuryente, ibabalik — DOE

IPINAHAYAG ng Department of Energy (DOE) ang kanilang katiyakan na mabilis na ire-refund ang P10B overcharging sa singil sa kuryente.

Ayon kay DOE Secretary Jericho Petilla, nagpulong na sila kung anong sistema ang ipatutupad para mai-refund ang singil sa kuryente subalit kailangan pa nilang kumunsulta uli kay Pangulong Noynoy Aquino hinggil dito.

Ang tiyak lamang aniya ngayon ay hindi ‘one time’ ang ipatutupad na refund dahil malaking halaga ang sangkot dito.

Una nang natuklasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang overcharging na ginawa ng Power Sector Assets Liabilities Management (PSALM) Corporation sa transmission lines na ipinapasan naman ng Meralco sa consumers.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply