Overstaying sa PRB sisiyasatin ng Kamara

MAHIGIT 100 opisyal ng Professional Regulatory Board (PRB) ang sinasabing overstaying na sa kani-kanilang pwesto.

Upang maimbestigahan ito, inihain ang House Resolution 2826 ni Nueva Ecija Rep. Carlos Padilla upang masiyasat ang sinasabing 15 tayong overstaying ng mga opisyal ng PRB.

Giit ni Padilla na malinaw na ito ay paglabag sa charter na itinatag ng nasabing ahensiya.

Nakasaad sa charter na ang isang opisyal ng PRB ay maaari lamang manatili sa serbisyo sa loob ng tatlong taon at maaaring maitalaga sa susunod na tatlong taong termino.

Karamihan umano sa kasalukuyang opisyal at miyembro ng PRB ay nag-ookupa ng halos anim na taon hanggang 15 taon sa kasalukuyan.

Dahil dito, hiniling ni Padilla sa House Committee on Civil Service and Professional Regulations na ipatawag ang mga opisyal ng PRB upang magbigay-linaw sa nasabing isyu.

Sa 154 na mga opisyal ng PRB, 45 dito ay nasa posisyon bilang chairman, 129 miyembro at ang 15 PRB members ay mayroong kasalukuyang unexpired terms of offices.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply