Owner ng Aman Futures Group nasa Malaysia na

KINUMPIRMA ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakalabas na ng bansa ang may-ari ng Aman Futures Group Inc.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, si Emmanuel Amalilio ay nasa Kota Kinabalu, Malaysia na habang ang may 20 pang opisyal ng kompanya ay pinaghahanap na rin ng ahensya.

Sa ngayon ayon kay De lima ay nasa 8,000 reklamo na ang kanilang natanggap mula sa mga Pagadian.

Kaugnay nito, una na ring nagpahayag si Pangulong Benigno Aquino III na sa lalong madaling panahon o sa susunod na linggo ay mai-issue na na ang warrant of arrest laban kay Amalilio at iba pang sangkot sa nasabing pyramid scam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply