P.2-M halaga ng alahas, gamit ng ginang nilimas

NAPASOK at napagnakawan ng mga hindi pa kilalang suspek ang loob ng bahay ng ginang habang nasa kasarapan ng tulog ang huli sa Valenzuela City kaninang madaling araw, Nobyembre 3.

Aabot sa P200,000 halaga ng alahas at mga gamit ang natangay sa biktimang si Teresa Lugue, 61 ng Arty subd., Karuhatan ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, nagising ang ginang upang uminom ng gamot subalit pagbangon ay napansin nakakalat ang mga gamit sa loob ng kuwarto.

Nang tignan ang mga alahas ay wala na sa pinaglalagyan maging ang ibang gamit sa loob ng bahay.

Agad na nagsumbong sa mga pulis ang ginang kung saan iniimbestigahan na.


Leave a Reply

*
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...
nyahahahahah ang laki talaga ng tawa ko rin ng tin...
nyahahahah ay korek ka ako may kilala rin madal...
nyahahahhaha ' kapay' grabee na talaga ang kalaswa...
nyahahahah korek na korek si gary Sta. Ana...he he...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.