P100 ipinalit sa puri ng 9-anyos sa Las Piñas

KALABOSO ang 48-anyos na vendor nang molestiyahin ang siyam na taong gulang na batang babae kapalit ng P100 makaraang sumama ang huli sa una sa isang madamong lugar sa Las Piñas City.

Huli na nang matuklasan ng bata na itinago lamang sa pangalang “Christina” na pagnanasaan pala siya ng kakilala niyang vendor na si Antonio Nillas, alyas Boy, ng Casimiro Townhomes, Barangay Pulang Lupa  sa madamong bakanteng lote sa loob din ng Casimiro Townhouse.

Matapos ang panghahalay, tinupad naman ni Nillas ang pangako at ipinagkaloob sa bata ang P100 bago pinayagang makauwi sa kanilang tirahan.

Kanina ay inaresto ng mga tauhan ni Las Piñas Police chief S/Supt. Romulo Sapitula si Nillas matapos magsumbong sa kanyang ina si Christina kaugnay sa ginawang panghahalay sa kanya ng suspect dakong alas-10 ng umaga noong Miyerkules sa bakanteng lote sa naturang lugar.

Ayon kay Sapitula, isasailalim sa medico legal examination ang bata bago nila sampahan ng kasong rape si Nillas na pansamantalang nakadetine sa headquarters ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply