P11M budget ni PNoy, delegasyon sa 21st ASEAN Summit

PNoy

MAY kabuuang P11 milyon ang inilaan ng pamahalaan na gagamitin sa pagdalo ni Pangulong Benigno Aquino III sa 21st ASEAN Summit and Related Summits sa Kingdom of Cambodia mula November 18 hanggang 20.

Makakasama ng Pangulo sa biyaheng ito ang 53-member delegation na kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Finance Secretary Cesar Purisima, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Trade Secretary Gregory Domingo, Cabinet Secretary Jose Rene Almendras, PCOO Secretary Herminio Coloma, Jr., at Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., gagamitin ang nasabing pondo sa chartered flight ng delegasyon papuntang Cambodia, accommodation, transportation, pagkain at  equipment and telecommunications requirements.

Aniya, ang pagdalo ng Pangulo sa regional forum ay pagpapatibay sa commitment ng Pilipinas sa pagsusulong ng kooperasyon sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

“President Aquino’s participation in the regional meeting reinforces our firm commitment to promote cooperation, not only in terms of economic development, but also in maintaining peace in the region and protecting and enhancing human rights,” ang pahayag ni Ochoa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply