P12.8-M kinita ng Marikina sapatos festival

WALANG gatol na ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod ng Marikina na kumita ng P12.8 million ang ginanap na Sapatos Festival na nilahukan ng 41 magsasapatos sa Shoe caravan at Mega shoe sale.

Ayon kay Marikina City Mayor Del De Guzman, mas mataas ito kumpara sa P8.6 million na kinita noong 2011 Sapatos Festival.

Kasabay nito, nagpasalamat ang alkalde sa 16 local chief executives sa Metro Manila na sumuporta sa Sapatos Festival ngayong taon.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa mga alkalde ng Metro Manila na ating binisita para sa ating Shoe Caravan ngayong taon. Malaking tulong ito sa ating mga magsasapatos at sa lokal na pamahaalan para sa muling pagpapasigla ng industriya ng sapatos. Kanilang pinatunayan na tayong mga Pilipino ay nagtitiwala pa rin saMarikina pagdating sa mga dekalidad na sapatos,” ani De Guzman.

Ipinabatid ng alkalde na maari pa ding makabili ng mas mura ng 30% at de kalidad na sapatos sa Patio Del Zapateros, katabi ng Shoe Museum sa Barangay San Roque hanggang sa December 31.

Bukod sa caravan at mall sale, ipinagdiwang din ang Feast of St. Crispin at pagkilala sa mga natatanging indibidwal at grupo na nagpalago sa industriya ng sapatos kung saang ilang piling personalidad ang napabilang sa Shoe-per Star Alley.

Nagkaroon din ng Tap Dance para sa mga Senior Citizens, Shadow Dance, Shoe-Gala, Fa-shoe-n-show, Tour De Takong o Stiletto Race, Gawad Kapitan Moy, Konsiyerto sa Plaza ni Kapitan Moy at Bike Fest.

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman na ang Marikina ang tinaguriang Shoe capital ng Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply