P15-M kontrabando nasabat ng Philippine Navy

NASABAT ng mga tauhan ng Philipine Navy ang tinatayang P15 milyong halaga ng iba’t-ibang uri ng kontrabando malapit sa Isla ng Tulian sa lalawigan ng Jolo, Sulu.

Sa isang operasyon na inilunsad ng mga puwersa ng Navy nakatalaga sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM) malapit sa Chinese Pier, Jolo, Sulu nasabat ang ML Wish Me Luck Princess.

Nabatid na may lulan na 796 plastic drums ng gasolina (250 ltrs capacity) at 1,000 kahon (50 reams per box) ng sigarilyo ang nasabing bangka na pawang wala ni isang supporting document at nagkakahalaga ng may P15 milyon.

Ayon sa imbestigasyon ng Navy, ang mga kontrabando ay pagmamay-ari ng may 10 na magkakaibang tao na kinakatawan ng isang nagngangalang Jhonson Askali ng Barangay Bunut, Indana, Sulu. Ang ML ay huling nanggaling mula sa Sitangkay, Tawi-Tawi at nagbalak na dumaong sa Tanjung Pier sa Indanan, Sulu. Hindi pa batid kung saang bansa pa galing ito.

Itinurn-over na ang nasamsam na kontrabando sa Bureau of Customs (BoC)

Habang nagsasagawa na rin ng inspection at inquiry sa ML sa dahilang walang maipakitang Coast Guard Clearance ang mga tripulante habang naglayag pa ito nang walang Master Patron.

Nahaharap naman ang mga tripulante ng ML Princess sa posibleng violation ng Republic Act 1937 (Tariff and Customs Code of the Philippines) dahil sa smuggling.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply